Kwentong Kubota Series Episode 2: Terencio Palma
Bilang isang ama, taas-noo niyang ipinagmamalaki ang pagiging magsasaka. Ang kanyang dedikasyon sa bukid ay nagsilbing inspirasyon para sa kanyang anak na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan sa industriya ng agrikultura.
Si Terencio Palma, tubong Ubay, Bohol at proud customer ng Agrimach CG Corporation, authorized Kubota dealer, ay patunay na sa kabila ng mga hamon sa pagsasaka, ang tunay na magsasaka ay hindi kailanman sumusuko. Patuloy siyang bumabangon at nagsisilbing inspirasyon, hindi lamang sa kanyang kapwa magsasaka, kundi pati sa kanyang anak at sa mga susunod na henerasyon.
Sabay-sabay nating panuorin ang kanyang kwento sa #KwentongKubota.
#KubotaPhilippines
#ForEarthForLife
#AgrimachCGCorporation
#KwentongKubota
